Paano Mag Start sa Mushroom Farming S1?
1. Ask your self why? Know your deepest why, bakit ka nga ba mag mumushroom farming, o papasok sa agribusiness?
Why? Like any other job and any other business hindi madali ang mag mushrooms, maprocesso at nangangailangan ng dedikasyon at sipag. So, kung maikli ang pasensya mo at gusto mo ay easy money this is not for you kaibigan.
But, kung matiyaga ka naman, willing matuto. Why not hindi naman masamang subukan.
2.Training ( Seminars and Research)
Sa anumang larangan, lamang ang may alam! Magbasa basa muna, mag follow sa mga question na itinatanong ng mga new members sa mushroom groups sa Facebook. Umattend ng mga free Trainings ng Department of Agriculture, and other sectors like Beaurea of Plant and Industry, and also try to attend seminars din sa mga private providers. May mga naiseshare ang mga private providers na technology and experiences na pwedeng makatulong sayo sa paguumpisa mo sa pagkakabute.
3. Start small
Pwede mong maging option ang mag alaga ng mushrooms indoor, yes! At the comfort of your home. Sa isang table or rack pwede kang mag alaga ng 10-50 pcs, gamayin mo muna mag alaga. Pag-aralan at iobserve tuwing kailan naghaharvest, ilan nahaharvest per fruiting bags, at ilang months din ba ang naging lifespan ng fruiting bags na inalagaan mo provided the temperature, moisture na ifinefeed mo sa bags o pagdidilig mo sa bags daily, at sa pag aalaga mo in general. Then also masusubukan mo na din ang iyong sarili kung para ba sa iyo ang pagkakabute.
4. Find a best location where you want to put up your farm.
Consider the following:
-Location : mas advantage kung malapit sa kalsada, accessible for you and your clients. Perishable ang mushrooms so mas okay kung mas madaling nattravel or nattransport ang harvest from your farm to your clients.
-Temperature : observe the place kung sobrang umiinit ba sa area lalo na pag summer, find a place na medyo medyo may puno pa para mas nakakapag maintain ng moisture sa area at hindi masyadong mainit kapag summer. But, kung wala namang choice at nasa City, need lang ng extra effort para mamaintain ang tamang moisture inside the grow house specially on summer.
5. Find a mentor.
Kailangan ito, may mga iba't ibang pamamaraan ang mga existing mushroom growers na pwedeng maging epektibo din sayo at mayroon ding pamamaraan o techniques na hindi mag work sayo. Better choose one mentor na willing mag guide sayo from the beggining until ma-established ka at gagabay padin sayo sa oras na kailanganin mo pa din ng guide.
Comments
Post a Comment